Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin
Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin

Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lala­king tatlong taon uma­nong hinalay ang pa­mang­kin ng kaniyang kinakasama sa Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, 11-anyos pa lamang ang biktima nang simu­lang abusuhin ng suspek.

Napag-alaman, nitong Martes ay nagtang­ka pang tumakas ang suspek na si Elmer Capil­lo nang arestohin ng mga awtoridad.

READ MORE:  Oil companies nagtaas ng presyo

Ayon sa biktima, nag­simula ang pang-aabuso sa kaniya ni Capillo noong 11-anyos pa lang siya, tuwing wala ang kaniyang tiyahin na kinakasama ng suspek.

“Halos isang linggo, araw-araw siyang gina­galaw ng kinakasa­ma ng tita niya hanggang 14-years-old po siya,” sabi ni PO2 Gladys Nery, ng Women and Children’s Desk ng Meycauayan Police.

READ MORE:  Guro nagbigti sa bakawan

Hindi umano maka­pag­sumbong ang biktima dahil sa pananakot ng sus­pek na papatayin siya.

Inamin ni Capillo ang krimen at humihingi ng tawad sa biktima.

“Nadala lang sa tuk­so sir, kaya humihingi pa ako ng tawad sa kaniya,” aniya.

Bukod kay Capillo, dalawang lalaki pa ang inaresto sa magkahiwalay pang reklamo ng tang­kang pang-aabuso sa Meycauayan.

READ MORE:  Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)

Kabilang dito ang isang 53-anyos ama na tinangka raw abusuhin ang kaniyang 31-anyos anak.

Habang bugbog ang inabot ni Ronnie Gabo­nado na tinangka uma­nong pasukin ang kani­yang kapitbahay at pinilit na makipagtalik.

“Dahil sa alak kaya ko nagawa ko, dahil sa sobrang kalasingan,” paliwanag ni Gabonado.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved