Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)
Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)

Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)

BINAWIAN ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan masalpok ng isang provincial bus habang nag-aayos ng traffic cones sa Skyway sa Amorsolo Ext., Makati City, kahapon ng umaga.

Isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Skyway Corporation, ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

READ MORE:  Roxas dapat nang magbitiw sa DILG — Marcos

Samantala, hindi na binanggit ng pulisya ang pangalan ng tatlong biktimang pawang bahag­yang nasugatan.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad si Wisly Macaya, nasa hustong gulang, residente sa Block 67, Lot 22, Southville, Cabuyao, Laguna, driver ng JAM Liner na may plakang DYA 697.

Base sa ulat na na karating kay Supt. Bernard Perez, ng Philippine National Police, High­way Patrol Group (PNP-HPG), naganap ang insidente dakong 6:12 ng umaga sa Skyway elevated, malapit sa Amorsolo Exit, Makati City.

READ MORE:  Caloocan City hall employees isinalang sa drug test

Minamaneho ni Macaya ng pampasaherong bus, nang siya ay mag-over-take sa isang bus na nasa unahan ngunit nasaga­saan ang traffic cones na inaayos ng biktima.

Nang mamamataan ng biktima na mahahagip siya ng bus, dali-dali siyang nagpunta sa center island ng Skyway para makai­was.

READ MORE:  2 patay sa hinoldap na fastfood

Ngunit biglang kinabig ni Ma­ca­ya ang bus hanggang napunta sa center island na kinaroroonan ni Tolentino kaya’t nasalpok ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tatlo katao pa ang nahagip ng bus.

Agad dinala ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay si Tolentino.

(JAJA GARCIA)

 

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved