Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P11.87-M drug shipments nasabat sa NAIA

P11.87-M drug shipments nasabat sa NAIA

NASABAT ng mga ope­ratiba ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang shipments ng hinihinalang shabu, tina­tayang P11.87 milyon ang halaga, sa magkahiwalay na okasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, isa sa package ay tumitimbang ng 2,031 gramo ng hinihinalang shabu at naka-consign kay Juey Cuenca, resi­dente sa Imus, Cavite.

HAWAK ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang dalawang plastik ng hinihinalang shabu, tinatayang P11.87 milyon ang halaga, makaraan masabat sa magkahiwalay na shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. (BONG SON)

Ang nasabing kontra­bando ay nasabat noong 27 Abril at ipinadala ng isang nagngangalang Stephanie Morse.

READ MORE:  Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas
READ MORE:  55 container vans ng basura mula Canada itinapon sa landfill — BoC

Samantala, ang isa pang package na nagla­laman ng 344.50 gramo ng hinihinalang shabu ay naka-consign sa isang Susano Trinidad, resi­dente sa Cubao, Quezon City.

Nasabat ito noong 23 Abril at ipinadala ng isang nagngangalang Audio Schit.

Ang nasabing ship­ments, na parehong mula sa California, USA, ay idineklarang medicine cabinet at unan.

READ MORE:  Pambansang bakuna vs tigdas sisimulan na

Ang nadiskobreng dalawang package ay may fictitious consignees at delivery addresses.

Binigyang-diin ng BOC chief na pinaigting nila ang anti-drug opera­tions, na nagresulta sa pagkakasabat ng walong packages na naglalaman ng ilegal na droga nitong Marso at Abril.

“In support of the anti-drug campaign of President Rodrigo Du­terte, we have intensified our anti-drug operations at the ports, and so we were able to apprehend eight drug shipments in March and April in NAIA alone,” ayon kay Lapeña. (JSY)

COMMENTS

About JSY

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved