Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, ‘di atat na maging National Artist
Nora, ‘di atat na maging National Artist

Nora, ‘di atat na maging National Artist

UNTIL now mailap pa ring ibigay kay Nora Aunor ang pagiging National Artist pero hindi ito big deal sa aktres dahil naniniwala siyang ibibigay iyon ng Diyos kahit ano ang mangyari.

“Noong una pa, noong iba pa ‘yung presidente natin, ni minsan ‘yung pagiging National Artist, hindi ko talaga inisip ‘yan, eh. Kasi ang sa akin, kung para sa ‘yo ang isang bagay at talagang iniloob ng Diyos, talagang ibibigay sa ‘yo, kahit anong mangyari.

Dagdag pa nito, “So, hindi niloob noong mga nakaraang taon, so hindi pa rin tayo sigurado kung ibibigay sa atin, walang kasiguraduhan. At sa palagay ko naman, may mga iba pang mga artista na kinakailangan, ‘yung mga nauna sa akin, na siguro mas karapat-dapat na bigyan ng National Artist award na hindi lang natin nakikita ‘yung kanilang ginawa na kontribusyon,” paliwanag pa ni Ate Guy.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved