Friday , April 26 2024

Empoy, kinabog sina Aga at Dingdong sa 41st Gawad Urian

INISNAB ng Gawad Urian ang mga mainstream movie dahil pawang mga indie film ang nominado sa kanilang 41st Gaward Urian 2018. Ang pelikulang Respeto ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon (11) na sinundan ng Balangiga: Howling Wildeness at Tu Pug Imatuy, (9), at The Chanters at Ang Larawan (7).

Nakakuha naman ng tig-anim na nominasyon ang mga pelikulang Birdshot, Bhoy Intsik, Kita Kita, at Changing Partners samantalang lima ang sa Smaller and Smaller Circles, at tatlo ang Neomanila.

Social relevance naman ang ibinigay na dahilan ng Urian kung bakit walang mainstream movies ang nakapasa o nakasama sa kanilang mga nominasyon.

Nominado sa Best Film category ang mga pelikulang Balangiga: Howling Wildeness, Birdshot, Bhoy Intsik, The Chanters, Respeto, at Tu Pug Imatuy.

Kapuna-puna ring hindi napansin o nakapasa sa panlasa ng Urian ang mga aktor na sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes at iba na bida sa mainstream movies. Bagkus, tinalo sila ni Empoy na nominado sa Best Actor category kasama sina Abra, Nonie Buencamino, Timothy Castillo, Noel Comia Jr., Allen Dizon, RS Francisco, Jojit Lorenzo, Sandino Martin, at Justin Samson.

Nominado naman sa Best Actress sina Joanna Ampil, Angeli Bayani, Alessandra de Rossi, Gloria Diaz, Dexter Doria, Jally Nae Gilbaliga, Agot Isidro, Elizabeth Oropesa, Bella Padilla, Angellie Nicholle Sanoy,at Malona Sulatan.

Pinangunahan naman ni Yayo Aguila ang mga nominado sa Best Supporting Actress kasama sina Angeli Bayani, Shamaine Buencamino, jasmin Curtis-Smith, Chai Fonacier, Nathalie Hart, Odette Khan, Menchu Lauchengco, at Gloria Sevilla. Nominado naman sa Best Supporting Actor sina John Arcilla, Robert Arevalo, Romulo Caballero, Dido Dela Paz, Pio Del Rio, Nor Domingo, Ronwaldo Martin, Jess Mendoza, at Arnold Reyes.

Sa June 14 isasagawa ang Urian awards night sa ABS-CBN Vertis North tent.

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *