Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Domino effect ng TRAIN babantayan
Domino effect ng TRAIN babantayan

Domino effect ng TRAIN babantayan

NANINIWALA si Sena­dora Grace Poe na dapat malaman ng publiko at ng Senado ang domino effect nang ipinatutupad na Tax Reform on Acceleration and Inclusion ( TRAIN) law sa public services.

Ayon kay Poe, naka­tanggap siya ng reklamo sa mga residente ng Iloilo hinggil sa sobrang taas ng singil sa koryente dahil aniya sa epekto ng TRAIN law.

READ MORE:  Binatilyo pinugutan ng adik na tiyuhin

Bukod dito, ang pag­taas ng presyo ng gasolina na epekto rin ng nasabing batas na idinadaing ng jeepney operators at mga driver.

Nakatakdang magsa­ga­wa si Poe ng pagdinig sa darating na Biyernes sa Iloilo ukol sa naturang isyu.

READ MORE:  School principal utas sa boga ng spotlight operator

Ngunit inamin ni Poe na ang isasagawang pag­dinig ay hindi nanganga­hulugan ng kanyang pa­na­wagan para sa pagsu­suspende ng ilang aspekto sa TRAIN law tulad ng panawagan ng ilang senador.

READ MORE:  Dalawang tulak tigbak sa parak

Dagdag ni Poe, kanya munang titingnan sa isasagawang pagdinig kung anong batas ang dapat gawin ng Kongreso para malutas ang pagta­as ng singil sa koryente sa Iloilo at sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng TRAIN Law.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved