Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sotto in, Koko out (Sa Senado)
Sotto in, Koko out (Sa Senado)

Sotto in, Koko out (Sa Senado)

INIHALAL na si Senador Vicente “Tito” Sotto III bi­lang bagong Senate President o pinuno ng Senado kapalit ni Senate President Koko Pimentel.

Mismong si Pimentel ang nag-nominate kay Sotto para sa posisyon ng Senate President na papalit sa kanyang pu­wes­to.

Magugunitang bago ang palitan sa pagitan nina Sotto at Pimentel ay nabunyag na mayroong isang resolusyon na nilagdaan ng 15 senador para magkaroon ng ba­gong liderato sa Senado.

Nagpasalamat si Pimentel sa kanyang mga kapwa senador na nag­tiwala sa kanya bilang Senate President.

READ MORE:  Palace exec ‘namamangka sa dalawang ilog’

Si Pimentel ay nai­luklok bilang pang-28 Senate President noong Hulyo 2016, habang ang kanyang ama na si dating Senador Aquilino Pimen­tel, Jr.,  ay naluklok ding Senate President noong Nobyembre 2000 hang­gang Hunyo 2001.

Kabilang sa mga dumalo sa sesyon at hindi tumutol sa nomi­nasyon ni Sotto bilang bagong Senate President, ay sina Senators Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Gringo Honasan, Panfilo “Ping” Lacson, Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri, Ralph Recto, JV Ejercito, Joel Villanueva,  at Francis “Chiz” Escudero.

READ MORE:  Mayor Espinosa kawalan sa drug war (4 beses binaril – Autopsy)

Wala si Senador Son­ny Angara na isa sa lumagda sa resolusyon dahil nasa lamay ng kanyang yumaong amang si Senador Edgardo Angara at lumiban si Senador Win Gatchalian.

Samantala, hindi nag-nominate ang minorya sa Senado para magkaroon ng kalaban si Sotto.

Ngunit sa kabila nito ay tumayo si Senate Minority Leader Franklin Drilon upang ihayag sa sesyon na hindi nila sinasang-ayonan ang anomang palitan ng liderato ng Senado kaya’t abstain ang kanilang boto sa minorya.

Paliwanag ni Drilon, kung sila ay sasang-ayon o susuporta kay Sotto ay awtomatikong walang mi­norya kung kaya’t ipa­u­ubaya na nila ang lahat ng desisyon sa mayorya.

READ MORE:  Akyat-Bahay niratrat utas

Kabilang sa minorya sina Senador Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, Kiko Pangilinan, Senadora Leila De Lima at Riza Hontiveros.

Samantala, nahalal si Senador Zubiri na kapalit ni Sotto bilang Senate majority leader at pinuno ng committee on rules.

Makaraan manumpa sina Sotto at Zubiri sa kanilang bagong puwesto ay agaran silang nagpasalamat at tiniyak na tinatanggap nila ang bagong hamon.  (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN) 

COMMENTS

About Niño Aclan Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved