Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)

Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)

GUMUHO ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite nang mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam, dakong 11:45 pm nitong Sabado.

Nagkalat ang tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales sa Emilio Aguinaldo High­way nang gumuho ang gitnang bahagi ng itina­tayong flyover.

PINAGTULUNGAN ng lokal ng pamahalaan ng Cavite, DPWH at contractor ng JBL Builders ang clearing operations sa bumagsak na bahagi ng itinatayong flyover sa kahabaan ng Aguinaldo Highway kanto ng Daang Hari sa Imus, Cavite kahapon. (ERIC JAYSON DREW)

Masuwerteng walang naitalang nasugatan sa insidente ngunit nadaga­nan ng gumuhong beams ang isang trailer truck ng project contractor at isang motorsiklo ng traffic enforcer.

READ MORE:  ‘NRD’ inismol ng Palasyo
READ MORE:  Protesta ng Iglesia umatras na

Pansamantalang na­ka­sarado sa mga moto­rista ang Emilio Agui­naldo Highway sa kanto ng Daang Hari at tina­tayang aabutin hanggang Lunes bago tuluyang maalis lahat ng naka­hambalang sa kalsada.

READ MORE:  KFR kabuhayan ng taga-Sulu? (Korean, Pinoy pinalaya ng ASG)

Inabisohan ang mga motorista na dumaan muna sa Anabu Road, Daang Santol Road at Malagasang Road para sa light vehicles habang maaaring dumaan ang mga truck at bus sa Salitran Road at Molino Boulevard.

Tinatayang aabot sa P13 milyon ang halaga ng pinsala ng naturang insidente.

Samantala, pinabu­laanan ng Department of Public Works and High­ways ang mga alegasyon na substandard ang ginamit na mga mater­yales kaya gumuho ang bahagi ng flyover.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved