Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cavs bumawi sa game 3
Cavs bumawi sa game 3

Cavs bumawi sa game 3

UMISKOR si basketball superstar LeBron James ng 27 points at 12 assists upang tulungan ang Cleveland Cavaliers na itarak ang 116-86 panalo kontra Boston Celtics kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Eastern Conference Finals.

Tumikada si Kevin Love ng 13 puntos at 14 rebounds habang may 14 si Kyle Korver para sa Cavaliers na nakalsuhan ang kanilang two-game skid.

READ MORE:  UAAP Volleyball: Bidang-bida si Jaja

Lamang pa rin sa best-of-seven series ang Celtics, 2-1 subalit malaki ang tsansa ng Cleveland na maitabla sa 2-2 dahil sa court pa rin nila ang banatan sa Game 4.

Nakapagtala lang si Jaylen Brown ng 10 puntos para sa Boston maliit ito kumpara sa 23 point average sa dalawang laro sa Games 1 at 2, tumipa naman si Jayson Tatum ng 18 puntos habang 13 ang kinana ni Terry Rozier 13.

READ MORE: 

“That doesn’t bother me,” saad ni Cleveland coach Tyronn Lue. “The games have to be played. They won two games on their home court, which we know they’ve been playing well the whole playoffs, but we’re not discouraged.

READ MORE:  Mga bagito umeksena sa SEA Games

“So, 0-2 doesn’t really mean anything.”

Nirehistro ni George Hill ang  13 markers para sa Cavaliers habang 11 ang inambag ni J.R. Smith. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved