Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Koreano itinumba sa Caloocan
Koreano itinumba sa Caloocan

Koreano itinumba sa Caloocan

PATAY ang isang Ko­rean national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng isang resort sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Kim Woon Ohm, nasa hustong edad.

READ MORE:  Akusasyon ng kampo ni VP Binay binalewala  ng Palasyo (Sa AMLC report)

Habang pinaghah­a-nap ng mga awtoridad ang mga suspek na tuma­kas sakay ng isang itim na van makaraan ang pa­mamaril.

Batay sa inisyal na ulat ng Police Community Precinct 6, dakong 9:00  pm, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang  shooting inci­dent sa Novahills Sub­division, Brgy. 171, Bagumbong.

READ MORE:  Desisyon ng SC sa DQ vs Erap ilalabas ngayon

Nang magresponde ang mga pulis, natag­puan nila ang duguang Koreano sa madilim na tapat ng gate ng Gubat sa Ciudad Resort kaya agad nilang dinala sa paga­mutan.

READ MORE:  Tanggal-lisensiya sa abusadong taxi driver

Sa kuha ng CCTV, makikitang ibinaba ang Koreano ng isang black na van at saka pinagbabaril.

Narekober sa biktima ang kanyang wallet na may lamang P4,750 cash, Korean driver’s license, credit card at City of Dreams room card.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved