Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Buenas sa Pungsoy: Feng Shui don’ts sa pagtatayo ng bahay
Buenas sa Pungsoy: Feng Shui don’ts sa pagtatayo ng bahay

Buenas sa Pungsoy: Feng Shui don’ts sa pagtatayo ng bahay

KARAMIHAN sa hindi mainam na mga aspeto ng bahay o apartment ay maaaring maiwasto sa maraming remedyo sa Feng Shui.

Ito ay sa paraang pagdetermina ng iyong focus at pagpili ng mga remedyo na sa iyong palagay ay wasto at naba­bagay sa inyong bahay o buhay.

Ngunit mayroon ding ilang mga aspeto ng bahay na mahirap baguhin nang walang major renovations.

READ MORE:  FGO FOUNDATION ANNOUNCEMENT

Sa pagtatayo ng ba­hay, magkakaroon ka ng oportunidad, mula sa simula, sa pagbubuo ng bahay na hihikayat sa pagdaloy ng chi at makatutulong sa iyong matamo ang iyong mga mithiin.

Sa koordi­na­s-yon sa arkitekto o pagpili ng stock home layouts, iwasan ang Feng Shui “Don’ts.”

*Huwag ilalagay ang bath­room sa central palace ng bahay. Sa iyong pagla­tag sa Ba Gua sa ibabaw ng floor plan, ang center trigram, kumaka­tawan sa iyong health and well-being, ang central palace. Upang maiwasan ang health and financial issues, iwasang ilagay ang bathroom sa lokasyong ito.

READ MORE:  Amazing: Magical machine tagatupi ng nilabhan

*Huwag ilalagay ng kitchen na kung saan makikita mo ang kalan mula sa front door. Ayon sa Feng Shui principles, ito ay ma­aa­ring mag­hikayat ng malas sa buhay ng mga re­sidente.

READ MORE:  Satanas Vs. Juan

*Hu­wag mag­lalagay ng dingding na naka­harap sa front door sa iyong pagpasok sa bahay. Ikonsidera ang ma­lawak at bukas na entrance.

*Hu­wag mag­lalagay ng mga pinto na naka-slant ng 45 degree angles – lalo na ang pinto sa master bedroom.

*Huwag ipupwesto ang master bedroom sa harap ng kalahati ng bahay.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved