Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikreto ng Piso, bagong movie ni Joyce Peñas
Sikreto ng Piso, bagong movie ni Joyce Peñas

Sikreto ng Piso, bagong movie ni Joyce Peñas

MULING mapapanood sa pelikula si Ms. Joyce Peñas na kilala bilang isang model at fashion and jewellery designer. Itinanghal siya recently bilang Mrs. South Asia sa Mrs. Universe 2017. Subalit dahil pangarap niya ang maging aktres noong bata pa lamang, sumabak na rin siya sa pag-arte sa pelikula.

Isa si Ms. Joyce sa naging bida sa advocacy film na New Generation Heroes topbilled by Aiko Melendez, Jao Mapa, at Ms. Anita Linda. Ngayon naman ay isa siya sa casts ng Sikreto ng Piso na tinatampukan nina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Ito ay mula sa JPP Dreamworld Productions na pag-aari ni Ms. Joyce.

READ MORE:  Selena Gomez, pinuri ang kasuotan ni Louise

Ano ang role niya sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Direk Perry Escano?

“I’m playing the wife of an owner of a junk shop, the rival of our neighbor who also has a junk shop. My aim is to put the other junk shop down to get his costumers to be ours. My husband here is Ricky Rivero, my daughter is Bea Binene. Ang kalaban ko naman sa business ay sina Lou Veloso and his children, si Ariel na husband of Gelli,” saad ni Ms. Joyce.

READ MORE:  Yen Santos, pa-sexy na sa teleserye nila nina Gerald at Jake sa Dremscape Entertainment

Tapos na po ba ang movie? Ano ang masasabi ninyo kina Ariel at Gelli as co-stars dito? “May shoot pa sa ibang scenes, pero ang scenes ko tinapos ko na before going here sa Germany. Kasi hinahabol ang Pistang Pilipino, Eto kasi comedy na entry para roon, sana mahabol ang deadline.

READ MORE:  Lou Baron is back!

“So far okay naman kami, kasi may harmony naman sa shoot at wala naman akong problems sa kanila. Professional silang katrabaho, ang kasama ko most of the time sa scenes yung husband ko saka anak ko na si Bea. I like her, kasi napaka-sweet na bata. I am happy working with all of them naman.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved