Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 14 senador lumagda vs ‘pagtalsik’ ni Sereno (Resolusyon kontra Korte Suprema)

14 senador lumagda vs ‘pagtalsik’ ni Sereno (Resolusyon kontra Korte Suprema)

PUMIRMA ang mayoridad ng mga senador sa resolusyon na komokontra sa desisyon ng Supreme Court na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang chief justice.

Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, 14 sa 23-man Senate ang pumirma sa resolusyon.

Kabilang sa pumirma ay mga miyembro ng ma­jority at minority blocs ng Senado.

Kasama sa mga pu­mir­ma nitong Huwebes sina Pangilinan, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Leila de Lima, pawang ng  minority bloc, at majority Senators Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Grace Poe, Francis Escudero, Joel Villanueva, Ralph Recto, Loren Legarda, at Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ang resolusyon ay binuo makaraan paboran ng Supreme Court ang inihain ni Solicitor General Jose Calida na quo warranto petition laban kay Sereno nitong naka­raang linggo, na nagpa­walang-bisa sa kanyang 2012 appointment bilang chief justice.

READ MORE:  ‘Kill Grab’ plot buking

Sa nasabing desisyon, sinabi ng mataas na hukuman, pinaboran nila ang quo warranto plea para mapatalsik si Sereno upang matiyak na “only qualified individuals” ang mauupo sa public office. Sinabi sa desisyon na ang impeachment ay hindi tanging paraan upang masibak sa puwesto ang impeachable officials.

Ang pagtatalaga kay Sereno ay may bisang manatili bilang chief magistrate hanggang sa kanyang pagreretiro sa edad na 70 anyos  sa 2030.

Ang kanyang pagkasibak sa puwesto ay unang beses sa kasaysayan ng Filipinas na ang isang chief justice ay napatalsik sa pamamagitan ng quo warranto plea.

Sinabi ni Aquino, uma­asa ang mga mam­babatas na ang resolusyon ay magamit ng kampo ni Sereno sa pag-apela sa pagpapatalsik sa kanya.

“We hope this reso­lution can form part of information for that MR (motion for reconsi­deration) na malinaw sa amin dito sa Senado na mali ‘yung ginawa ng Supreme Court,” aniya.

READ MORE:  Palasyo aminado sa US participation sa Oplan Exodus

“I think it’s important that the Senate makes a stand on this issue. Marami na rin sa amin ang nagsasabi na uncon­stitutional itong ginawa ng Supreme Court and this is not just coming from the minority but across party lines,” dagdag niya.

Habang sinabi ni Sen. Nancy Binay, na hindi pumirma sa resolusyon, dapat irespeto ng Senado ang “separation of powers” ng lehislatibo at hudikatura.

“They made a de­cision so let’s just respect that separation of po­wers,” ayon sa sena­dora.

HATAW News Team

Sa quo warranto petition
IMPEACHMENT VS
8 MAHISTRADO
IKINOKONSIDERA
NG MAKABAYAN BLOC

PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahis­tradong bumoto para masipa sa kanyang po­sisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

READ MORE:  US at China paligsahan sa military aid sa PH

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapa­na­nagot ang walong mahis­trado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa dating chief justice.

Naniniwala si Zarate na sinagasaan ng walong mahistrado ang ka­pangyarihan ng Kongreso na magpatalsik ng isang impeachable official dahil sa ginawa nilang desis­yon.

Ngunit duda si Anak­pawis Party-list Rep. Ariel Casilao na maitu­tulak ang im­peachment sa Kamara dahil mayorya sa mga kongresista ay hawak ng administrasyon na siya umanong nagtu­lak sa quo warranto petition.

Habang sa tingin ng mga miyembro ng Justice Committee na sina AKO BICOL Rep. Rodel Bato­cabe at COOP-NATCO Rep. Anthony Bravo, malabong makakuha ng 98 boto ang oposisyon para maideretso sa Se­nado ang impeachment complaint sa walong ma­histrado sakali mang maihain ito sa kamara.

(JETHRO SINOCRUZ)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved