Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Dirty Harry’ is back: Lim muling tatakbo na alkalde sa 2019

‘Dirty Harry’ is back: Lim muling tatakbo na alkalde sa 2019

KOMPIRMADO ang muling pagtakbo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Maynila sa susunod na 2019 midterm elections.
Ang opisyal na pahayag ay ginawa ni Lim sa panayam sa kanya ng isang malaking TV network pagkatapos bumoto ang dating alkalde sa katatapos na barangay at SK elections sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Manynila, kamakalawa.
Tiniyak ni Lim ang muling pagtakbo sa susunod na halalan bilang tugon na rin sa panawagan na maibalik ang naputol na benepisyo at mga libreng serbisyo sa lungsod na noo’y tinatamasa ng mga Manileño.
Sa buong bansa, si Lim ang kauna-unahang alkalde at tanging opisyal ng pamahalaan na nagkapagpatayo ng limang ospital na nagkakaloob ng libreng serbisyo.
Sa ilalim ng ”from womb to tomb program” ng administrasyon ni Lim tinamasa ng mga Manileño ang libreng serbisyo at gamot sa anim na pampublikong ospital ng lungsod.
Wala yatang mapuntahang lugar sa Maynila ngayon ang hindi umaalingasaw ang amoy sanhi ng mga gabundok at hindi nahahakot na basura, ultimo sa mga pangunahing lansangan ay nagtambak.
Malayo sa administrasyon ni Lim na tatlong beses sa loob ng isang araw nahahakot ang mga basura, 7-days a week, kahit Linggo.
Si Lim ay tatakbo sa 2019 midterm elections bilang pambato ng PDP-Laban sa Maynila.
Si Lim na tinaguriang “Dirty Harry” ng Maynila lang ang katapat na solusyon laban sa lumalalang krimen at ilegal na droga sa Maynila.

Matanda mas ok kaysa bata pero magnanakaw

MAIHAHALINTULAD si Lim kay Malaysian leader Dr. Mahathir Bin Mohamad.
Sa edad na 92, Dr. Mahatir ay muling nahalal na Prime Minister ng Malaysia nitong nakaraang linggo.
Matapos ang matagal na pagreretiro sa politika, 15 taon ang nakararaan, napilitang tumakbo si Mahatir alang-alang sa panawagan sa kanya ng mamamayan.
Tinalo ni Mahatir si Najib Razak sa isyu ng corruption na inakusahang nagkamal ng limpak gamit ang kanyang puwesto.
Dahil walang isyu ng katiwalian, sa edad binanatan ng kampo ni Razak si Mahatir sa kampanya.
Halos walang ipinagkaiba sa paninira ng kampo nina Isko Moreno at Honey Lacuna laban kay Lim.
Ang tanging naipangangalandakan nina Isko at Honey ay matanda na raw si Lim, wala silang masabi dahil isang bukas na aklat na ang dating alkalde ay hindi nasangkot kailanman sa anomang uri ng katiwalian.   Ang sabi ni Mahatir sa mga batikos na matanda na siya:
“Young leaders do not have sufficient background. And not many people with experience have survived. I have survived.”
Kumbaga sa alak, habang tumatagal ay lalong sumasarap.
Ang kaibahan lang, sa edad na 87 ay malakas pa sa kalabaw si Lim at hindi tulad ni Mahatir na ilang beses nang sumailalim sa operasyon.
Pero tulad ni Lim, si Mahatir ay handa pa rin ialay ang nalalabi niyang buhay para sa kanyang mamamayan.
Si Lim ay hindi pa dinapuan ng anomang mapanganib na karamdaman kompara kay Mahatir.
Kung pumatok sa mga Manileño ang ikinalat na paninira kay Lim kaya’t nagpa-appoint muna na undersecretary ng Department of Social Welfare Services (DSWD) si Isko.
Mas mabuti na ang may edad kaysa magnanakaw.
Malaki-laki na rin kasi ang nagastang salapi na ipinamudmod ng kampo nina Isko at Honey sa kanilang pag-iikot sa Maynila na isang taon na nilang ginagawa.
Bakit nga ba nagpa-appoint si Isko sa DSWD sa kabila ng maagang pangangampanya at pag-iikot nila ni Honey sa Maynila?
Suspetsa ng iba, baka raw may balak na gamitin ni Isko ang kaban ng DSWD para sa kampanya ng kanyang partido.
Kaya ‘pag bumuhos sa Maynila ang pera at mga donasyon para sa kalamidad mula sa DSWD ay alam na!
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
COMMENTS
READ MORE:  Maitumba kaya ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?  

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved