Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec
Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec

Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec

“GENERALY peaceful.”

Ito ang paglalara­wan ng Commission on Elections sa ginanap na Barangay and Sanggu­niang Kabataan elections nitong Lunes, bagama’t may ulat ng mga insi­den­te ng dayaan, kara­ha­san at ilang namatay.

“Generally peaceful, ‘ika nga, [ang eleksiyon]. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay nairaos nang walang malaking problema, walang mala­king disturbance,” paha­yag ni Comelec spokes­person James Jimenez kahapon.

READ MORE:  11 pulis ipinatapon sa Mindanao (Bashers ni Albayalde)

Ayon sa Comelec, mayroong kompir­ma­dong 13 poll-related deaths, na mas mababa kaysa 33 namatay noong nakaraang 2013 elections.

READ MORE:  Pagkamatay ng 13 Marines ikinalungkot ng Palasyo

Ang election death toll ng Comelec ay mas mababa sa ulat ng national police, na naka­pagtala ng 33 namatay at 19 sugatan nitong Lunes.

READ MORE:  Kamalig ng NFA nilusob ng survivors ( 8 patay sa stampede )

Patuloy pang kino­kompirma ng election body ang mga ulat na ilang botante ang nabi­gong bomoto dahil ginamit ng ibang tao ang kanilang pangalan.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved