Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kahalagahan ng bonding ng pamilya, ipinakita nina Vilma at Luis
Kahalagahan ng bonding ng pamilya, ipinakita nina Vilma at Luis

Kahalagahan ng bonding ng pamilya, ipinakita nina Vilma at Luis

KULANG tatlong minuto ang running time ng ad na natisod namin sa FB ng supermarket na ineendoso ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano.

Itinaon pa kasing Mother’s Day (bukas, Linggo) ang patalastas na ‘yon.

Sa simula ng ad ay lulan ng kotse ang mag-ina, si Luis ang nagmamaneho habang katabi ang inang nakapiring. May sorpresa kasi si Luis kay Ate Vi.

READ MORE:  Aktres na single mom dyowa ng immigration official (Kaya pala bongga ang lifestyle kahit no project!)

‘Yun pala, ang supermarket ang destinasyon nila. Nanariwa sa aming alaala ang VIP at Vilma! days ni Ate Vi dahil reunited siya sa kanyang choreographer na si Maribeth Bichara.

Siyempre, hindi mawawala ang pagsabak muli ni Ate Vi sa pagsasayaw, pati na rin si Luis ay napaindak na rin.

READ MORE:  TNAP convention ng Puregold, tagumpay!

In fairness, at 60 plus na edad ni Ate Vi’y halata mo pa ring taglay niya ang grace sa pagsasayaw. Naiimadyin din namin kung gaano nakakalula ang TF niya roon para mapagsayaw mo ang isang Vilma Santos.

Of course, the ten-minute something ay babawasan pa ng running time kapag umere na ito. Mahaba na ang 30 seconds. Gayunman, klaro ang mensaheng nais itawid sa pagtatampok kina Ate Vi at Luis.

READ MORE:  Titang Ebeng, yumaman dahil sa kalyeserye

Mahalaga ang bonding ng pamilya sa kahit anong activity. Teka, nakukuha pa bang mag-grocery ni Ate Vi sa kabila ng pagiging abala sa Kongreso?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved