Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)

Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)

HINDI lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon kahapon.

Tikom ang bibig ng Palasyo kung ano ang dahilan nang hindi pagboto ni Pangulong Duterte sa barangay at SK elections sa Davao City.

Ilang minuto maka­lipas ang 3:00 ng hapon, kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi na boboto si Pangulong Duterte.

READ MORE:  Abu Turaifie bagong ISIS emir sa Southeast Asia

“No reason,” matipid na tugon ni Go sa text message sa pag-usisa ng media sa dahilan ng no-show ni Duterte sa Cluster 889, precinct -1245-A sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.

READ MORE:  Panawagan ni Atienza sa Senado: Sin Tax Reform Act apurahin

Wala rin pahayag si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa isyu.

Dalawang beses inili­ban ang barangay at SK elections sa ilalim ng administrasyong Duterte, una noong Oktubre 2016 at pangalawa noong Oktubre 2017.

READ MORE:  5 miyembro ng gunrunning, drug syndicate timbog sa checkpoint

Mula nang maluklok sa Palasyo, ilang beses sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kursunadang matuloy ang barangay elections dahil tiyak na popon­dohan ng drug money ang mga kandidatong supor­tado ng sindikato ngunit ipinaubaya niya ang pagpapasya sa Kongreso.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved