Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo
MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo

MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo

TUMAKBO kahapon ang Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na ginanap sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure Park sa Lantic, Carmona, Cavite. 

Ang pakarera ay isang Charity Race na sponsored ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng medical and dental programs, bloodletting, feeding mission at office renovation. 

Ayon kay Dr. Andrew Buencamino, Executive Director III ng Philippine Racing Commission, kabuuang P180,000 ang ibinigay ng PHILRACOM sa nanalong kabayo sa charity race. 

Sinabi ni PHILRACOM Chairman Andrew Sanchez, ang ‘slot’ ‘a ibinigay sa MPDPC ay “2nd Pick 5 Covers Races 6-10” na inaabangan at sinuportahan ng Bayang Karerista. 

Malugod at taos-pusong nagpapasalamat si Mer Layson, presidente ng MPDPC sa walang sawang pagtulong ng PHILRACOM sa iba’t ibang proyekto ng mga mamamahayag na nakatalaga sa MPD. 

Pitong kabayo ang tumakbo sa Race 6 na kinabibilangan ng El Mundo, Penrith, Eugenie, Metamorphosis, Valenzuela, Tan Goal at Guanta Na Mera.  

COMMENTS
READ MORE:  Namulang mata, solb agad sa Krystall Eyedrop

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved