Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zaijian Jaranilla bilang Liksi ganap nang kagrupo ng Bagani
Zaijian Jaranilla bilang Liksi ganap nang kagrupo ng Bagani

Zaijian Jaranilla bilang Liksi ganap nang kagrupo ng Bagani

ISA nang ganap na bagani si Liksi (Zaijian Jaranilla) matapos niyang makuha ang lakas at kapangyarihan ng ‘kalasag ng Kataw’ noong Lunes (7 Mayo) ng gabi  sa hit fantaserye ng ABS-CBN na “Bagani.”

Sa tulong ni Lakas (Enrique Gil) at gamit ang kanyang pamilya bilang inspirasyon, lumabas na ang tunay na kakayahan ni Liksi bilang pinakabagong bagani. Matatandaan na si Mayari ang unang napili at napagkalooban ng ‘kalasag ng Kataw’ ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay nang matamaan ng kidlat ni Sarimaw.

READ MORE:  Anak ni Maricel Laxa, pinasok na ang pag-aartista

Tunay ngang karapat-dapat maging isang bagani si Liksi dahil sa taglay niyang busilak na puso at tatag na magsakripisyo para sa kanyang pamilya at sa buong Sansinukob.

Napatunayan niya ito nang ilang beses niyang tangkain na labanan si Sarimaw at noong nakipaglaban siya kasama ni Kidlat (Rayver Cruz) nang wala pang kaalaman sa pakikipaglaban.

READ MORE:  Arjo Atayde, hangang-hanga sa pagiging totoo ni Maricel Soriano!

Ngayong may nagmamay-ari na muli sa ‘kalasag ng Kataw,’ mapagtagumpayan na kaya nilang makuha muli ang Sansinukob kay Sarimaw?

Samantala, ano kayang hakbang ang gagawin ni Sarimaw ngayong unti-unti nang nabubuo ang mga bagani? Huwag palampasin ang “Bagani” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

READ MORE:  Katatagan ni Nadine, pinuri ng fans

Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky sub- scribers. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved