Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kaso ni Demafelis tututukan ng PH at Kuwaiti governments
Kaso ni Demafelis tututukan ng PH at Kuwaiti governments

Kaso ni Demafelis tututukan ng PH at Kuwaiti governments

MAGKATUWANG na tututukan ng gobyerno ng Filipinas at Kuwait ang pagdinig sa kaso ng suspek sa pagpatay sa OFW na si Joana Dema­felis.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasalu­kuyang nasa Kuwait, sa phone patch interview kahapon.

Aniya, sa Lebanon lilitisin ang lalaking suspek at pupunta sa Lebanon ang mga aw­toridad ng Kuwait at Filipinas para subay­bayan ang proseso.

READ MORE:  Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan

Ayon kay Roque, batay sa nakausap nilang mga opisyal sa Kuwait, nabigla rin sila at hindi makapaniwala sa nangyaring ito sa isa nating kababayan.

Hindi aniya nila maunawaan kung bakit nangyari ang malagim na insidente gayong ang isinusulong  nila roon ay masayang pamumuhay sa lahat ng mga tao, Kuwaiti man o mga dayuhan.

READ MORE:  7 arestado sa drug raid sa Sultan Kudarat

Kaya gusto aniyang iparating ng mga taga-Kuwait na hindi totoo ang mga unang lumabas na balita na binabale­wala nila ang nasabing pangyayari.

READ MORE:  Delfin Lee pugante pa rin—De Lima

Matatandaan, si Demafelis ay natagpuan sa loob ng freezer sa bahay ng kaniyang mga amo na isang Lebanese at isang Syrian.

Hinihinalang isang taon nang nasa freezer ang katawan ni dema­felis bago ito nadiskobre ng mga awtoridad.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved