Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BIFF commander, 10 tauhan sumuko sa Maguindanao
BIFF commander, 10 tauhan sumuko sa Maguindanao

BIFF commander, 10 tauhan sumuko sa Maguindanao

SUMUKO sa militar sa Maguindanao ang 11 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), kabilang ang isang may ranggong com­mander, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, mas pinaig­ting na military operations at pakikipag-ugnayan sa komu­nidad ang dahilan ng pagsuko ng mga rebelde.

READ MORE:  Leftist groups iniisa-isa ni Leila sa tulong ng ‘biyuda’ (Para magbangong puri)

“We have engaged the people to change perceptions and lure the insurgents back to the folds of the law,” sabi ni Cabunoc.

Isa sa mga sumuko ang 50-anyos na si Sindatok Dilna na second-in-command ni Gani Saligan, nagpapakilalang brigade commander ng BIFF 2nd Division.

READ MORE:  Pacman fan naglaslas ng tiyan (Nadesmaya sa talo)

Ayon kay Dilna, napagod na siya matapos ang ilang buwang pagtatago.

Kabilang sa mga isinuko ng mga rebelde ang dalawang M16 rifle, dalawang M14 rifle, apat garand rifle, isang M1 carbine, at isang caliber .50 barrett rifle.

READ MORE:  US Embassy official nagwala sa Ermita

Sumuko ang mga rebelde sa Liguasan Marsh, at doon sila sinalubong ng mga opisyal ng militar at mga lokal na opisyal ng mga bayan ng Paglat at General Salipada K. Pendatun.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved