Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Street-sweeper patay, dyowa timbog sa Cavite buy-bust
Street-sweeper patay, dyowa timbog sa Cavite buy-bust

Street-sweeper patay, dyowa timbog sa Cavite buy-bust

CAVITE – Patay ang isang lalaki habang arestado ang kaniyang kinakasama sa buy-bust operation sa Kawit, Cavite, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Jervie Garcia, alyas Pungkol, na target ng operasyon ng pulisya.

Ayon sa ulat, dakong 10:00 pm nang isagawa ang operasyon ng Kawit police laban sa dalawang suspek sa Brgy. Samala-Marquez.

Bumili ang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu sa kinakasama ni Garcia.

Ngunit nakatunog si Garcia na pulis ang katransaksiyon ng kinakasama kaya umano nagpaputok.

Nagresulta ito sa palitan ng putok na ikinamatay ni Garcia.

Narekober ng mga pulis ang shotgun na ginamit ng suspek.

Sa loob ng bahay ng suspek, nakita sa sahig ang mga nire-repack na ilegal na droga, na tinatayang P5,000 ang halaga.

Nabatid mula sa mga opisyal ng barangay, dating street sweeper si Garcia ngunit sinibak sa trabaho nang malaman na sangkot siya sa pagtutulak.

Samantala, mahaharap ang kinakasama ng suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved