Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo, hindi priority ang lovelife
Paulo, hindi priority ang lovelife

Paulo, hindi priority ang lovelife

SPEAKING of Kasalan, mukhang wala pang magaganap years from now dahil naging deretsahan si Paulo Avelino sa pagsasabing napakarami pa niyang gustong gawin sa buhay.

Ayon pa sa aming anak-anakang sikat na movie actor, may mga bagay-bagay pa siyang mas binibigyang halaga lalo na ang kanyang karera na buhos naman ang pagdating ng biyaya sa kanya.

Sinasamantala ni Paulo ang lahat dahil ayaw niya ring mapahiya sa mga taong nagbigay ng pagpapahalaga sa kanya nasaan man siya ngayon.

Halatang masaya si Paulo sa kanyang lovelife kaya lalo itong inspirado sa trabaho. Mula sa kanyang pagiging abala sa kanyang afternoon teleserye na Asintado at sa promosyon ng Kasal, malapit na rin ipalabas ang kanyang historical movie titled GOYO.

Noon pa naman ay kilala na natin si Paulo sa pagiging malihim pagdating sa kanyang lovelife kaya hindi na namin ito pinagkuwento. Let’s just wish Paulo the best pagdating sa kanyang pribadong buhay.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved