Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kasal, grand comeback ni Bea sa pelikula
Kasal, grand comeback ni Bea sa pelikula

Kasal, grand comeback ni Bea sa pelikula

ITINUTURING na grand comeback ni Bea Alonzo ang pelikulang Kasal simula nang magbida sa How To Be Yours noong 2016. Ang pelikulang ito rin ang unang major project ni Bea matapos ang matagumpay na  primetime teleserye niyang A Love To Last.

Ang Kasal din ang pambungad na handog sa engrandeng selebrasyon ng  ABS-CBN-Films, Star Cinema para sa ika-25 anibersaryo sa industriya.

READ MORE:  Disappointed sa career!

Bukod kay Bea, pinagbibidahan din ang Kasal nina Derek Ramsay at Paulo Avelino na idinirehe naman ni Ruel S. Bayani mula sa panulat ni Patrick Valencia.

Nakasentro ang Kasal kay Lia Marquez (Bea) na pakakasalan ang pinaka-eligible bachelor ng Cebu at kakandidato sa pagka-alkalde na si Philip Cordero (Paulo). Magsisimula ang problema nang magtrabaho para sa kanila ang dating kasintahan ni Lia na si Wado dela Costa (Derek) para sa isang proyekto na maaaring makatulong sa pagkapanalo ni Philip sa eleksiyon. Muling babalik ang pagtitinginan nina Lia at Wado at ito ang magiging sanhi ng pagdududa ni Lia sa kanyang nararamamdan kay Philip.

READ MORE:  Marketing at distribution, dapat pagtuunan ng pansin sa indie — Direk Jason Paul
READ MORE:  Jasmine, nakipagpompyangan kay Louise

Ipalalabas ang Kasal sa Mayo 16.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved