Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Electrifying production numbers, mapapanood sa Ignite concert ni Regine
Electrifying production numbers, mapapanood sa Ignite concert ni Regine

Electrifying production numbers, mapapanood sa Ignite concert ni Regine

“EXPECT a lot of skin,” pagbabahagi ni Regine Tolentino ukol sa kanyang kauna-unahang dance concert, ang Ignite na gaganapin sa May 26, 8:00 p.m. sa Skydome sa SM North Edsa.

Tampok sa Ignite concert ang electrifying production numbers choreograph ng magaling na Speed Dancers’ dance director na si Egai  Bautista na tampok ang fabulous costumes designed ni Regine and style ni Neil Lorenzo.

Ani Regine, anim na buwan ang ginugol nila para tahiin ang mga damit na isusuot sa Ignite concert ng mga guest niyang sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Marissa Sanchez, Andrea Del Rosario, Madelle Paltuob, Zeus Collins, Gem Ramos, Leah Patricio, Sheng Belmonte, Jenny Miller, Alyna Velasquez, Ynez Veneracion, Che Che Tolentino, Luningning, Mariposa, Zara Lopez,  Dasuri Choi, Cherry Lou, Sherry Bautista, Saicy Aguila, at Ara Mina.

READ MORE:  Sheena, nag-swimsuit para ipakita lang ang cleavage

Kasama sa repertoire ni Regine ang mga kanta at sayaw mula sa hit-making divas at hinahangaan niyang sina Jennifer Lopez, Beyonce, lady Gaga, Madonna, at Britney Spears.

READ MORE:  Angel, pagtutulungan daw nina Marian at Jen (Quantity ang usapan, ‘di quality sa paggawa ng serye)

Iparirinig din ni Regine ang mga original choice cuts mula sa kanyang CD recording tulad ng Moving To The Music, Divas In me, Bounce, at Fearless na nagpapakita ng positive ideals ng women empowerment, confidence in self expression, at physical fitness.

Sold out na halos ang tiket sa Ignite concert na dadalhin din sa Japan para roon naman ibahagi ang galing at talento ni Regine sa pagsayaw at pagkanta.

READ MORE:  Hashtags Franco, nalunod, patay

Ang Ignite dance concert ay prodyus ng Flanax, co-presented ng 4.0 Events Management at RT Studios sa pakikipagtulungan ng Viva Artist Agency. Para sa ibang impormasyon at inquiries tumawag sa 09179795399 o sa [email protected]

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved