Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 holdaper utas sa parak
2 holdaper utas sa parak

2 holdaper utas sa parak

PATAY ang dalawa sa apat hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Juan, Gen. Trias City, Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat kay Police Regional Office IV-A director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na mga suspek.

READ MORE:  Private armed group leader arestado sa Masbate

Nauna rito, dakong 2:25 am, nagsasagawa ng surveillance sa lugar ang mga operatiba laban sa grupo ng termite gang, nang magpasya silang magpakarga ng gasolina sa Shell gasoline station.

READ MORE:  Court sheriff, tanod chief utas sa ambush

Pagpasok sa Shell, nakita ng mga pulis na nakadapa sa sahig ang dalawang empleyado ng gasolinahan.

READ MORE:  Sin Tax Reform Act ipasa na (Hirit ng tobacco farmers)

Agad hinabol ng mga operatiba ang mga suspek at nang abutan, imbes sumuko ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa ngunit nakatakas ang dalawa pa. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved