Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dennis, nakipagkabugan ng acting kay Boyet
Dennis, nakipagkabugan ng acting kay Boyet

Dennis, nakipagkabugan ng acting kay Boyet

KAPAG natapos na ang The One That Got Away ay dire-diretso na si Dennis Trillo sa shooting ng pelikula niyang On The Job 2.

Dream movie ni Dennis ang pelikula ni Erik Matti na isa sa mga kasama niya ay ang Drama King na si Christopher de Leon.

Sa pelikula, may mga tattoo si Dennis at may ilang netizens ang pinuna ang pagpapalagay nito (tattoo) ng aktor.

May isang nag-comment sa Instagram post ni Dennis ng litrato ng tattoo niya…”Ang katawan natin ay templo ng Diyos. iniingatan dapat natin to!”

Na sinagot naman ni Dennis ng… ”relax it’s fake.”

Isa pang netizen ang nag-comment ng…”Our body is a temple of God, we must have to be sensitive of the word of God. Please Dennis you have a good heart, huwag mo ng dagdagan ang mga tatoos mo. Maruming tingnan. I am one of your fan, sana huwag kang magalit sa akin. Gusto ko kayo ni Jen. God bless you more.”

At sumagot din si Dennis ito ng… ”fake tattoo po yan for a role.”

At ang sinabi ni Dennis tungkol sa pagsagot niya sa naturang mga comment…”Para lang magkaroon sila ng peace of mind, di ba? Ayoko naman na naguguluhan sila.”

Kasama rin ni Dennis sa On The Job 2 sina Lotlot de Leon, John Arcilla, Ricky Davao, Vandolph Quizon, Dante Rivero, at William Martinez.

READ MORE:  Jovit Baldivino, sasabak na rin sa pelikula!
READ MORE:  Yen, wala pang anak at single pa rin

At dahil nasa pelikula nga si Christopher, magsasama sa isang pelikula ang Drama King at si Dennis na tinaguriang Drama Prince.

Kaya tiyak na kabugan silang dalawa sa aktingan.

“Hindi naman! Kabugan talaga? Hindi naman,” at natawa si Dennis.  ”Experience ‘yun, magandang experience para sa akin. Feeling ko marami akong matututuhan sa kanila. Puro mga beterano ‘yung mga kasama kong mga artista.

“Kahit sina Eric Fructuoso nandoon, mga idol ko ‘yun noong nanonood pa ako ng ‘Palibhasa Lalaki’.

“So medyo na-startsruck ako sa kanilang lahat noong nakita ko sila roon,” pagtukoy pa ni Dennis sa mga kasama niya sa OTJ 2.

“At masaya, iba si direk Erik! Para siyang gumagawa ng commercial, bawat eksena, bawat frame talagang kailangan perfect!

“Ultimo ‘yung kaunting andar lang ng sasakyan na ganyan, talagang ‘yung pasok sa rain effect niyong kotse… metikuloso!

“Ilang ulit, kahit hindi kami kita sa loob ng sasakyan, naroon lang kami sa loob, paulit-ulit kami, tapos buhos lang ‘yung ulan.

“Ibang klase, ang sarap ng feeling na mapasali sa ganoon, ‘yung alam mong sobrang pinagaganda talaga.

“’Yung talagang bawat frame, ‘yung ilaw, ‘yung isang eksena namin inilawan tatlong oras!”

Hindi naman siya nainip.

READ MORE:  Janella, ikinokompara kina Kathryn, Julia, at Liza

“’Pag ganoon ang mga kasama mo, ayokong mag-inarte, gusto ko lang mag-adjust kung ano ‘yung ikagaganda ng pelikula.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved