Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Corrupt’ sa admin ni Tatay Digs dapat mag-resign nang kusa (‘Safeguard’ para sa malinis na konsensiya)
‘Corrupt’ sa admin ni Tatay Digs dapat mag-resign nang kusa (‘Safeguard’ para sa malinis na konsensiya)

‘Corrupt’ sa admin ni Tatay Digs dapat mag-resign nang kusa (‘Safeguard’ para sa malinis na konsensiya)

IBANG klase talagang magbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga pinagkatiwalaan niya na biglang nabubu­yangyang na mga corrupt pala.

At hindi barya-baryang kupitan, pandarambong kung humakot!

Sa kabila nito, natututong magtimpi ang Pangulo dahil ayaw na raw niyang maulit na pati ang reputasyon ng mga anak ng mga ‘corrupt’ ay nadadamay.

Mas gusto ng Pangulo na konsensiya ng mga nasasangkot ang magpasya kung paano nila ‘lilinisin’ ang minantsahan nilang tiwala na ipinagkaloob sa kanila.

Mabait pa nga ang presidente dahil sa ganyang konsiderasyon na ibinibigay niya sa mga mandarambong — ayaw niyang ipahiya sila, sa ngalan nga ng mga anak nila.

READ MORE:  Sinakyan agad ng presidentiables ang INC protest rally

Reading between the lines — kahit na gustong ‘murahin’ ng Pangulo ‘e ‘wag na lang — basta ang importante magdesisyon sila.

Sabi nga, kapag nagsalita nang ganyan ang Pangulong Digong, maghakot-hakot ‘este magbalot-balot na kayo dahil tiyak kapag ‘napuno ang salop’ tiyak na malaladlad ang ‘talop’ ninyo sa publiko.

Siguro naman, nakapagsubi na rin kayo kahit paano. Baka nga puwede nang pang-retirement ‘yang mga nasubi ninyo.

In short, mag-‘gracefull exit’ na kayo.

Huwag na ninyong hintayin na tamaan pa kayo ng ‘tabak ni Damocles!’

‘TOKHANG’ KONTRA
WANGWANG
IKINASA NA NG PNP

HINDI lang ilegal na droga, maging ang mga motoristang gumagamit ng wangwang ay isasailalim sa ‘tokhang’ ng Philippine National Police (PNP).

READ MORE:  Matindi ba talaga ang kamandag ni Janet Napoles?

Ibig sabihin lahat ng mga may-ari ng mga sasakyan  na may wangwang ay hinihikayat ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na tanggalin na lang sa kanilang sasakyan o isuko sa pulisya.

Ang utos ni PNP chief Albayalde ay alinsu­nod sa utos ni Pangulong Digong na ituloy ang pagbabawal sa mapang-abusong paggamit ng wangwang.

Marami tayong nakikitang ganito lalo sa mga recreation and leisure area sa south Metro. Nakagugulat ang  wangwang ng mga Hagad, ‘yun pala naka-escort lang sa mga casino player.

READ MORE:  Rotary Club of Makati Cristo Rey

Tsk tsk tsk…

Pero sa mga emergency cases, hindi man lang natin makita ‘yang mga hagad na ‘yan. Talaga bang namimili lang sila ng pagseserbi­s-yohan?

Tama ‘yan, PNP chief DG Oca!

Dapat talagang putulan ng sungay ang mga abusadong wangwangero!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved