Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ian Veneracion, maraming pinakilig sa patok na concert ni LA Santos
Ian Veneracion, maraming pinakilig sa patok na concert ni LA Santos

Ian Veneracion, maraming pinakilig sa patok na concert ni LA Santos

GRABE ang naging tilian ng mga kababaihan nang lumabas si Ian veneracion sa #Petmalu concert ni LA Santos sa Music Museum recently. Bale, una munang kumantang mag-isa si LA ng Two Less Lonely People in the World at maya-maya ay umentra na nga si Ian at rito na nagtilian nang husto ang mga kababaihan.

Iba pa rin talaga ang charisma at hatak sa opposite sex ni Ian, guwapings kasi talaga ang actor/singer at magaling kumanta. Nabanggit nga ni katotong Joey Sarmiento na kasama naming nanood sa Music museum na tiyak na marami sa female audience na present that night ang manonood sa concert ni Ian sa May 13 titled Ian in 3 Acts na gaganapin sa Resorts World Manila. Special guest niya rito si LA.

READ MORE:  Jayson, maraming work dahil mura lang daw ang TF

Anyway, malaking tagum­pay ang first major concert ni LA at ipinakita rito ng guwapitong bagets na multi-talented siya dahil hindi lang sa pagkanta nagpaki­tang gilas ang tinaguriang Pop Idol kundi maging sa pagsasayaw at sa pagra-rap. Puno ang ve­nue at pinasaya niya ang kanyang fans na aliw na aliw kay LA.

Nagpakitang gilas din dito ang kanyang younger sister na si Kanisha Santos na may talento rin sa pagkanta at may-K maging recording artist.

READ MORE:  Baron, sinukuan na ng pamilya

Masayang-masaya si LA at ang masipag na produ­cer at manager niyang si Joed Serrano sa outcome ng #Petmalu concert.

Incidentally, congrats kay LA at sa masipag niyang Mommy Flor Santos dahil isa pang biyaya ang dumating sa talented na singer. Kahapon kasi sa ASAP ay binigyan ng Gold Record si LA para sa self-titled album niya mula sa Star Music.

Masayang tinanggap ni LA ang kanyang award at sinabing, “Thank you guys, thank you. Gusto kong pasalamatan sina kuya Jon Manalo and sila Roxy Liquigan, thank you so much for being with me po. I’m gonna make you proud, this is just the beginning for me po, so sana suportahan ninyo po ako sa mga next projects ko pa po, of course, sa mga fans ko, ‘Guys, I’m so speechless talaga sa mga nag-support sa akin, lalo na yung past concert ko last Monday po.’ Sa mga fans talaga, I love you so much guys, sana magtuloy-tuloy pa yung pagsuporta ninyo sa akin.”

READ MORE:  Ara, wish maging donor si Mayor Meneses para muling magka-anak

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved