Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KathNiel, bibida sa Myanmar at Latin America
KathNiel, bibida sa Myanmar at Latin America

KathNiel, bibida sa Myanmar at Latin America

HINDI lang sa ‘Pinas mamamayagpag ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil bukod sa mapapanood na sa Myanmar ang kanilang seryeng La Luna Sangre, nakatakda ring ipalabas sa Latin America ang kanilang pelikulang She’s Dating the Gangster via Spanish-language movie channel na Cinelatino.

Sa pagsasara ng usapan ng ABS-CBN International Distribution sa MKCS Global, apat na Kapamilya serye kabilang din ang And I Love You SoBorn For You, at season two ng FPJ’s Ang Probinsyano ang maipalalabas sa dalawa sa pinakamalaking FTV channels sa Myanmar na MWD at MRTV 4.

READ MORE:  Gerald, nanay daw ang turing kay Janice

Taong 2011 unang nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at MKCS Global. Mula noon, nadala na sa Burmese viewers ang dekalibreng Pinoy teleseryes tulad ng Born For YouTubig at LangisBe My Lady, at All of Me.

Bukod sa She’s Dating The Gangster, mapapanood naman sa Latin America maging sa US at Canada ang Star Cinema films na  Unexpectedly YoursFour Sisters and a WeddingBride for Rent, Always Be My Maybe, atExtra Service dahil sa kasunduan ng ABS-CBN sa Cinelatino.

READ MORE:  Alden, 2 mos. hindi kumain ng kanin (Para paghandaan ang pagrampa sa Cosmo Bash)

“Ipinagmamalaki namin ang tagumpay na ito at patuloy naming ginagawa ang aming makakaya para magbigay ng dekalibreng mga programa at pelikula na may cast at kuwento na pasok sa panlasa ng iba’t ibang kultura. Malaking tulong din ito para mas maipakilala ang Pinoy talent sa global stage,”ani Macie Imperial, VP for Integrated Acquisitions and International Sales and Distribution ng ABS-CCBN.

READ MORE:  Aktor, ginapang ni female starlet habang natutulog

Napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN sa ibang bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved