Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bimby, may future sa pagho-host
Bimby, may future sa pagho-host

Bimby, may future sa pagho-host

ANG bilis nga ng panahon. Ang laki na ng anak ni Kris Aquino kay James Yap na si Bimby.

Nakakalat na ngayon sa YouTube ang ginawa ni bagets na pag-interview sa kanyang ina. At marunong na ring mag-isip ng kontrobersiyal na mga tanong ang bagets na matalino namang sinasagot ng ina.

Sa murang edad, mamamalas na may sarili nang opinyon at pagtingin sa buhay si Bimby. Lahat nga ‘ata eh, namana sa ina. Mula sa tono ng pagsasalita, sa mannerisms, sa pagsasaad ng mga katanungan at mabilis na pag-iisip para magbigay ng kanyang komento.

Ipinagmamalaki ni Kris ang bagong platform na sinimulan niya na siguradong gagayahin ng lahat pero ang importante eh, siya o sila ang nauna.

Ang cute ni Bimby mang-intriga lalo na nang tanungin ang ina sa first love nito na inuunahan sa sagot ang ina sa pagsasabi ng “A…Al…” Atribido. Pero alam mong may future na in hosting ang inaanak ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ngayon, bukod kay Kris,ay aabangan na rin kay Bimby sa kanyang “Unscripted” segment sa online show ng ina.

Kung ang tatay niya kaya na si James ang masalang sa interbyu ni Bimby, how will it go kaya? Medyo nagtaray na kasi si Bimby sa komento niya sa ama about him being hurt.

Kaabang-abang naman at enjoy silang panoorin ni Kris sa kanilang sagutan.

HARD TALK!
Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved