Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / LTFRB chief inasunto ng sinibak na opisyal
LTFRB chief inasunto ng sinibak na opisyal

LTFRB chief inasunto ng sinibak na opisyal

RUMESBAK kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief, Atty. Martin Delgra III ang sinibak niyang Bicol regional director na si Jun Abrazaldo.

Pag-abuso sa kapangyarihan at proteksiyon sa kompanya ng bus na lumabag sa batas ang inihaing reklamo ni Abrazaldo laban kay Delgra sa Office of the Ombudsman.

Si Abrazaldo ay sinibak ni Delgra batay sa isang ulat umano mula sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na hindi maipaliwa­nag ng huli kung ano ang nilalaman ng ulat laban sa una.

Naniniwala si Abrazaldo, na sinibak siya ni Delgra dahil gusto nitong pakialaman, katunayan ay tinawagan pa siya, ang kaso ng  Decker Cargo Logistics Corp. (DCLC) at Super Five Bus Transport Inc. (Super Five).

Tahasang sinabi ni Abrazaldo, nanghimasok si Delgra, nang iniim­bestigahan ng LTFRB regional office ang DCLC nang ang isang truck nito ay masangkot sa isang insidente na nakapatay ng tatlong tao at naka-pinsala ng ibang truck na hindi sa kanila.

Bukod dito, nanghimasok din umano si Delgra nang arestohin ng LTFRB Bicol ang apat na yunit ng Super Five dahil hindi ito nakarehistro.

Hindi lang text messages, ipinatawag pa umano ni Delgra si Abrazaldo dahil sa kaso ng Super Five.

Upang magkalinawan, pumunta umano si Abrazaldo sa patawag ni Delgra pero nagulat siya nang pagsabihan siyang: “‘Di ko alam kung talagang gago ka o hindi ka makaintindi.”

Ramdam na ramdam umano ang galit ni Delgra kay Abrazaldo dahil literal at pisikal siyang ‘pinaalis’ sa kanyang opisina ni Delgra kasama ang mga sundalo at mga operatiba ng PNP Special Weapons and Tactics Team.

Naniniwala si Abrazaldo, na ang ginawag pagsibak sa kanya ni Delgra ay hindi dumaan sa tamang proseso at kuwestiyonable ang ginamit na basehang ulat umano galing sa NICA noong 27 Disyembre 2017.

Hindi umano masabi ni Delgra kung ano ang ulat laban kay Abrazaldo. Kung ito ay tungkol sa korupsiyon dapat nga naman itong imbestiga­han.

E ano ba talaga, LTFRB chief, Atty. Delgra?!

Ano ba talaga ng dahilan kung bakit sinibak ninyo si LTFRB Bicol chief?

Ano ang katotohanan sa likod ng akusasyon na kliyente ninyo ang nasabing mga kompanya ng transportasyon?!

Hindi kaya conflict of interests ‘yan, Atty. Delgra?!

Kailangan ninyo ngayong ipaliwanag ‘yan sa Ombudsman…

Kung hindi ninyo maipapaliwanag kung bakit nanghihimasok kayo sa kaso ng isang truck company at isang bus company, ibig bang sabihin ni-yan ay itinataya ninyo ang inyong lisensiya bilang abogado?!

Paki-explain na nga po, Atty. Delgra…

IMMIGRATION
HEALTH CARD
PALPAK NA NAMAN!

SUNOD-SUNOD na reklamo ang narinig natin tungkol sa existing health card na ginagamit nga­yon sa Bureau of Immigration (BI), ang VALUE CARE.

Hindi raw value kundi vasura ‘este basura ang klase ng serbisyo na ibinibigay ng health card na ‘yan.

May isang kaso raw na isang empleyado ng BI ang nagtangkang ipagamot ang anak dahil sa sakit sa baga.

Since bata ang biktima, natural lang na emergency ang ganitong kaso. Sino nga naman ang magulang na hindi maaaligaga ‘pag anak ang pinag-uusapan.

Here comes vasura care ‘este Value Care card…

Ayaw daw pumayag ng mismong health card company na gamutin ang anak kung hindi sarili nilang doctor ang gagamitin.

WTF!

Paano kung emergency case nga at hindi available ang doctor nila nang oras na ‘yun?

Maghihintay pa ba ng availability ng kanilang medico legal!?

Kahit  pa raw accredited na hospital sa ilalim ng value care hangga’t hindi nila doctor ay hindi raw i-acknowledge ng nasabing health card!

Pakengshet!

E hindi ba’t nagbabayad naman ang mga empleyado at kinakaltasan kada suweldo para sa health card na ‘yan?

So, bakit ang dami nilang tsetse-buretse!?

Maliwanag na scam ang daingan ‘pag ganyan ang klase ng serbisyo!

‘Yung iba namang health card ay hindi ganyan bakit sila ay kakaiba?

Aba kung ganyan klase ang serbisyo nila ‘e ngayon pa lang i-terminate na ang kontrata ng value care na ‘yan sa BI!

Wala na ngang OT pay tapos ‘pag ganyang medical emergency hindi pa puwedeng asahan ang health card?!

BI-Cooperative, kayo yata ang may komi­syon ‘este konek sa nasabing health card. Baka naman puwedeng isaayos ang sistema ng pinadrinohan ninyo bago lahat ay mabiktima ng basurang serbisyo.

Please lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved