Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / UTI knockout sa Krystall herbal products
UTI knockout sa Krystall herbal products

UTI knockout sa Krystall herbal products

Dear Sis Fely,

Magandang araw po sa inyo Sis Fely. Ako si Merly Cruz ng Cabuyao, Laguna, 48 years old. Sumulat po ako sa inyo upang ikuwento ang maganda kong karanasan sa inyong produkto.

Ipapatotoo ko lang po ang nangyari sa aking kapatid na nagkaroon ng UTI (Urinary Tract Infection) at minsan ang ihi niya ay may kasamang dugo. Noong una binabalewala lang po niya iyon dahil ayaw niya at takot siya kapag malaman kung ano ang maging resulta kaya ayaw niya magpa-laboratory.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo (July 19, 2017)

Pero nang kinalaunan ay nakombinsi ko rin siya na magpa-doctor upang malaman kung ano ang findings. Noong lumabas na ang resulta ay mataas ang kanyang infection at niresetahan siya ng gamot pero hindi ko sinunod.

Sinabihan ko ang kapatid ko na huwag siya mag-alala dahil may alam ako na mabisang gamot at sigurado na mabilis gumaling basta matiyaga lang at iwasan ang mga bawal na pagkain na naging dahilan ng sakit niya.
Pinayohan ko siya na uminom siya nang maraming tubig, 10 glasses a day, iwas pagpipigil ng ihi at pagkahilig sa mga maalat na pagkain, maasim, maanghang, soft drinks at malulutong.

READ MORE:  A Dyok A Day

Pinabili ko siya sa clinic ninyo ng Krystall Yellow tablet, Krystall Nature Herbs, at magtiyaga sa paghaplos ng Krystall Herbal oil pabilog sa balakang.

At lahat po iyon ay sinunod niya at ngayon po ay magaling na po ang aking kapatid at hindi na sumasakit ang balakang hindi na bumalik ang UTI niya. Iniwasan na rin niya ang mga bawal.

READ MORE:  Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 18)

Maraming, maraming salamat sa produkto ninyo.

God Bless po!

Sincerely,
MERYL CRUZ

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

COMMENTS

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved