Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Barangay elections hindi na dapat mapolitika
Barangay elections hindi na dapat mapolitika

Barangay elections hindi na dapat mapolitika

HINDI pa man opisyal na kampanya para sa mga magsisitakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay maigting na ang mga pasaringan at pabonggahan na ang kani-kanilang pagpapakilala sa publiko.

Mapapaisip ka talaga kung barangay elections ba ang pinaghahandaan nila o ‘yung midterm polls na sa 2019 pa mangyayari?

READ MORE:  Abogado ng Qc Hall iniilagan

Halata rin na may ‘kulay’ ang bawat grupo ng mga nagsisitakbomay grupo na bet ni mayor habang ang kalaban nito ay manok naman ni congressman o kaya ni vice mayor na may mataas na posisyon din na binabalak sa darating na midterm elections. Pero hindi ba’t kailangang apolitical ang mga barangay? Ibig sabihin, hindi dapat nakikialam ang matataas na opisyal sa halalang pambarangay.

READ MORE:  Buriki Gang sa NAIA isa-isa nang nalalagas

Dapat maging malinaw rito ang Commission on Elections na hindi dapat napopolitika ang darating na halalang pambarangay. Alam natin na maraming pasaway na politiko ang gagamit ng kanilang mga resources para maisulong ang kani-kanilang agenda.

READ MORE:  Para sa isang kaibigan NPC President Joel Sy Egco  

Kaya dapat maging mahigpit dito ang Comelec at mapanati­ling ligtas sa kung anong pakanang politikal ng mga pasaway na politiko.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved