Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P.7-M shabu kompiskado, 2 arestado (Sa Quezon City)
P.7-M shabu kompiskado, 2 arestado (Sa Quezon City)

P.7-M shabu kompiskado, 2 arestado (Sa Quezon City)

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang P762,000 halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang drug pusher, kabilang 25-anyos babae, sa buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NDP director, C/Supt. Amado Clifton Empiso ang arestadong mga suspek na sina Saimah Solaiman, 25, residente sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila, at Jesmar Ahadin, 25, nakatira sa Culiat, Tandang Sora, Quezon City.

READ MORE:  Ex-Gov ng Davao sumuko (Sa broadcaster slay)

Batay sa ulat ni PO2 Jerome Pascual, dakong 8:30 pm nang ikasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Arnold Alabastro, ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa parking lot ng KFC branch sa panulukan ng Congressional at Mindanao avenues, Quezon City.

READ MORE:  Bautista magbakasyon, mag-focus sa pamilya (Payo ng Comelec exec)

Nang iabot ng mga suspek ang plastic sachet ng shabu, na tinatayang P5,000 ang halaga, sa poseur-buyer ay agad silang inaresto ng mga awtoridad

READ MORE:  Pinatay na kriminal pangalanan (Hamon ni Belmonte kay Duterte)

Pagkaraan, narekober ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang malaking plastic sachet at dalawang medium size plastic sachet, naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang P762,000 ang street market value, mula sa loob ng Suzuki Swift (TYO-801).

(ROMMEL SALES)

 

 

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved