Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon
Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon

Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon

NAKAGUGULAT  ang ginawa ng ‘Super Boy’ ng Philippine Sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa katatapos  na 2018 Philippine National Open & Age Group Po­werlifting Championships na ginanap sa Fisher Mall Quezon City nitong Sabado, impresibong binasag niya ang mga records sa Squat-70kgs, Bench press-38kgs, Total-188kgs at  single Lift Bench press-38kgs.

Ipinakita ni Dayao sa mga nanonod na kahit siya ay labing isang taong gulang lamang ay kaya ni­yang makipagsabayan sa pinakamalalakas na lifter ng Pilipinas.

READ MORE:  Super Rookie: Ravena beterano kung lumaro

Sa unang salang pa lang sa Squat competition ay binuhat niya agad ang 60kgs na bigat ng barbell para agad basagin ang 52.5kgs na Philippine record ni Anthony Obias ng Leyte Sports Academy (LSA) na naitala pa noong 2014 sa Catbolagan, Samar.

READ MORE:  Kid Molave inihahanda sa 2014 Triple Crown Championship

Sinundan iyon  ng 2nd attempt na 65kgs  at 3rd attempt na 70kgs na bigat para angkinin ang bagong Philippine record.

Hindi pa doon natapos ang record breaking performance ni ‘Super Boy’ Dayao at agad nagpa­kita  muli ng lakas sa Bench press nang iangat niya ang 38kgs na bigat para lagpasan naman ang Philippine record na 37.5kgs ni Jiswel Kiamco na isa ring taga-Samar. Nagdi­wang ang kanyang ama na kanya ring coach na si Cirilo Dayao dahil hawak na ngayon ng kanyang anak ang 33kgs at 38kgs Philippine Developmental Power­lifting national records.

READ MORE:  Uichico sa SEAG, Reyes sa FIBA

Bukod kay Dayao, nagkampeon din sina John Matthew Manalang-53kgs men’s Subjunior division ng Zest Power Gym at Joyce Gail Reboton-84kgs Open Division ng FNB.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved