Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese tiklo sa P15-M shabu (Sa Maynila)

Chinese tiklo sa P15-M shabu (Sa Maynila)

DINAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national makaraan makompiskahan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Tinatayang P15 milyon ang street value ng umano’y shabu na narekober mula sa suspek na kinilalang si Xu Qingchu, sa service road ng Pasaje del Carmen at Roxas Boulevard sa Maynila.

INIHARAP ni PDEA National Capital Region Director Ismael Fajardo ang arestadong suspek na si Xu Qingchu, Chinese national, makaraan makompiskahan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu, tinatayang P15 milyon ang street value, sa buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA Manila Unit sa Service Road ng Pasaje Del Carmen sa Malate, Maynila nitong Sabado ng gabi. (ALEX MENDOZA)

Inihayag ni PDEA National Capital Region Dir. Ismael Fajardo, dalawang buwan nilang minanmanan ang suspek.

Kamakailan, nadiskobre ng mga awtoridad ang shabu lab at warehouse sa Marikina, Batangas at Malabon na pawang Chinese national din ang mga sangkot.

Iniimbestigahan ng PDEA kung konektado ang suspek sa mga naunang nadakip.

“Iniimbestigahan pa natin. Wholesaler ito. I believe may ‘botikang’ pinagkukuhaan ito,” ayon kay Fajardo.

Bukod sa mga pakete ng hinihinalang shabu at marked money, nakompisa rin mula sa suspek ang kanyang sasakyan na ginagamit sa pag-deliver ng droga.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved