Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin
Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin

Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 53-anyos negosyante at kanyang anak na buntis makaraan pagsasaksakin  ng hinihinalang drug addict na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang si Melinda Bati, buy and sell agent, at kanyang buntis na anak na si Maikee Benito, 23, kapwa residente sa Capt. D. Rico St., Area C, Brgy. 174, Camarin ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Kapakanan ng OFWs sa Middle East pakay ni Digong (Sa 6-araw state visit)

Habang kinilala ang suspek na si Jose Da-yan-Dante, Jr., 40, nakatira sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City, agad nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Ayon kay Caloocan North Extension Office (NEO) PO1 Dennis Cano, dakong 12:45 am, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang sapi-litang pumasok ang suspek na armado ng ice pick at inundayan ng saksak sa katawan si Bati.

READ MORE:  Usec pa sisipain ni Duterte

Nang tangkang umawat ni Benito ay pinagsasaksak din siya ng suspek sa kanyang likod.

Nang malaman ng mister ni Benito na si Jordan ang pangyayari, agad siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-5) na nagresulta sa pagkakaaresto suspek, na umano’y bangag sa ilegal na droga.

READ MORE:  Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

Posible umanong nagalit ang suspek sa kanyang tiyahin nang hindi pahiramin ng pera na pambili ng shabu. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved