Thursday , May 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tetay kay James: ‘Di na kayo nagkikita, dahil wala ka nang pakinabang kay Bimb
Tetay kay James: ‘Di na kayo nagkikita, dahil wala ka nang pakinabang kay Bimb

Tetay kay James: ‘Di na kayo nagkikita, dahil wala ka nang pakinabang kay Bimb

SAMANTALA, habang papunta si Kris sa ABS-CBN ay nag-post siya ng sama ng loob niya kay James Yap na ama ng bunsong anak na si Bimby.

Akala namin ay okay na sina Kris at James dahil nga kasama pa siya noong dinalaw ni Bimby ang half-brother niyang si Michael James ilang buwan pagkatapos ipanganak ng partner ni James ngayon na si Michella Cazzola na muling nagdadalantao para sa ikalawang anak nila ng basketbolista.

Ayon sa IG post ni Kris, “Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo “nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.”

“UTANG NA LOOB, flashback 2013- trying hard kang umiyak (I say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil “pinagkakait” ko si Bimb sa yo. Ay oo nga pala, of course pinagaksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya.

“Nu’ng tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang “excuse” mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school.

“Sinunod ko ‘yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing.

“When Bimb saw the post na BINASTOS sya na “baklain” sya, he shrugged it off & said: “Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?” Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo.

“Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming “power” so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS.

“I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half-truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhatyoumademedo.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved