Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Concert ni Zsa Zsa, isang family affair
Concert ni Zsa Zsa, isang family affair

Concert ni Zsa Zsa, isang family affair

NAWALA sa concert scene last year ang Divine Diva, Zsa Zsa Padilla.

According to her, nagka-aksidente siya at inoperahan din siya sanhi ng kanyang frozen shoulder.

“Maganda naman ang timing ng Ultimate Events that the concert ‘The Best Day of My Life’ on May 11, 2018 at the Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila is truly a celebration. Of my birthday. Mother’s Day. And my 35th year in the business.”

Special guests ni Zsa Zsa sa nasabing concert ang kanyang mga anak na sina Karylle at Zia. With Yael Yuzon and Robin Nievera.

“Truly a family affair. Dahil si Paolo Valenciano ang aming stage director with Homer Flores naman as our musical director. Dito first time naming magsasama in one stage ng mga anak ko although in Australia, nag-show na kami.”

Staying long in the business is one thing na masasabing blessing din for Zsa Zsa.

“Hindi naman ako nag-iisa dahil marami akong naging mentors na tumulong sa akin. Managers. Publicists. Directors. Bands. Countless. Nare-remember mo ang Hotdog ‘di ba. An endless journey. A memorable one. And I will be celebrating the best day of my life.”

Ready na rin siya na tawaging “Lola” kung bibiyayaan na ang Karylle niya at si Yael.

Ang lovelife?

“I am so looking forward to a very quiet life.”

With the love of her life of course!

HARD TALK!
Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved