Friday , April 19 2024

Tarantula burgers alok ng US burger joints

DURHAM, North Carolina – Si Kristin Barnaby, aminadong arachnophobe, o natatakot sa gagamba, ay nakakita ng paraan u­pang pangibabawan ang kanyang takot, sa North Carolina burger joint.

“I am going to eat my fear,” pahayag ng 27-anyos sa Bull City Burger and Brewery, bago kainin ang hamburger na may palaman na malutong na oven-roasted tarantula, at french fries.

Ang tarantula burger ay itinampok sa April exotic meat month ng nasabing restaurant, na sa nakaraang anim taon ay nagtampok din ng mga putahe mula sa karne ng iguana, buwaya, kamelyo, python, pagong at iba’t ibang insekto.

Unang napasama sa menu ang mga tarantula makaraan mabasa ng may-ari ng restaurant na si Seth Gross kung paano naging street food staple sa Cambodia ang nasabing insekto, na tinimplahan ng asukal, asin at iniluto.

“I thought this would be a great way to really teach about diversity,” pahayag ni Gross sa panayam.

Ang tarantula burger ay hindi para sa lahat. Nakakukuha lamang si Gross ng 15 ng farmed, organically raised creatures kada taon, kaya masuwerte ang matapang na taong makatitikim nito.

“You come in, you fill in a lottery ticket,” aniya. “If we draw your name, you come and get to eat one.”

Ang masuwerteng mananalo ay mayroong 48 oras para makuha ang kanyang premyo, at ayon kay Gross, wala pang umaatras dito.

At kumusta ang lasa?

“It reminded me of potato chips,” pahayag ni Barnaby makaraan uminom ng tubig matapos ubusin ang kanyang unang tarantula burger. “I like to eat weird food.” (Reuters)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *