Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Puwesto sa finals, tangka ng Zark’s
Puwesto sa finals, tangka ng Zark’s

Puwesto sa finals, tangka ng Zark’s

WALANG iba kundi ang isang silya sa Finals ang nais nang sikwatin ng Zark’s Burgers-Lyceum kontra sa biglaang nanganganib na Marinerong Pilipino sa umaatikabong Game 2 ng 2018 PBA Developmental League Aspirants’ Cup semi-finals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tangan ang 1-0 abante sa best-of-three na semis, walang balak ang Jawbreakers na pahiritin pa ng winner-take-all Game3 ang Skippers na ginulantang nila noong Game 1.

Matapos mabaon ng 16 na puntos na pagkakaiwan ng Game 1, muling pinatunayan ng Zark’s na sila ang comeback kids ng liga matapos umiskor ng pambihirang 90-87 overtime na tagumpay upang gulantangin ang ikalawang ranggong Marinerong Pilipino.

READ MORE:  150 boksingero bawal lumaban sanhi ng pekeng brain scan

Wala pang talo ang ikaanim na ranggong Zark’s sa playoffs matapos na burahin ang twice-to-beat na bentahe ng ikatlong puwesto na Centro Escolar University upang makapasok sa semis.

At ngayong nakapasok na ang kanilang paa sa Finals, hindi na bibitaw ang koponan na siyang binubuo ng runner-up sa NCAA Season 93 at kampeon ng 2018 PCCL na Lyceum.

READ MORE:  Hataw ang depensa ng Alaska

Pangungunahan ng NCAA Season 93 MVP na si CJ Perez ang atake ng Zark’s matapos ang 14 puntos noon Game 1 habang nakasuporta naman sa kanya sina Mike Nzesseu at Wilson Baltazar na bumira ng 20 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nakahanda namang sumagupa sa kanila sina Rian Ayonayon at Gab Banal matapos ang kanilang 22 at18 puntos, ayon sa pagkakasunod upang maitulak sa Game 3 ang Skippers.

READ MORE:  RoS Llamado vs SanMig

Nakatakda ang mainit na sagupaan sa alas-4 ng hapon.

Samantala, sa unang laro sa laas 2 ng hapon, hangad din ng Che’ Lu Bar and Grill-San Sebastian na makapasok na rin sa Finals kung magwawagi ngayong Game 2 matapos ngang bulagain ang top seed na Akari-Adamson sa Game1 kamakalawa, 70-60.

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved