Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den
Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den

Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den

ARESTADO ang isang mag-ama, at anim iba pang hinihinalang drug user makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong 9:25 pm nang salakayin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Jowi-louie Bilaro, kasama ang Philippine Air Force 300th Air Intelligence Security Wing, Special Mission Group, PDEA-Camanava at Police Community Precinct 3, ang hinihinalang drug den sa 99 Valenzuela St., Brgy. Marulas, na umano’y pinatatakbo ng mag-amang sina Rafael Camua, Sr., at Rafael, Jr., sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Maria Nena Santos.

READ MORE:  PNoy abala sa paper works, monitoring
READ MORE:  Resign petition vs Tolentino ibinasura ng Palasyo

Hindi nakaporma ang mag-ama nang arestohin ng mga awtoridad, gayondin ang hinihinalang mga drug user na sina Ruby Cruz, Ralph Jerome Camuan, Jarvis Campbell Go, Joseph Cabundol, Jr., Jack Daniel Henson at Romerico Camuan na naaktohan habang bumabatak ng shabu. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 41 sachet ng shabu, drug paraphernalia, glass tube, dalawang cigarette pipe na may marijuana, isang sachet ng shabu, at P3,260 halaga ng salapi.

READ MORE:  ‘Gumagawa’ ng pekeng ATM, credit cards arestado sa BGC

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved