Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis, 11-anyos pamangkin pinatay sa bahay
Buntis, 11-anyos pamangkin pinatay sa bahay

Buntis, 11-anyos pamangkin pinatay sa bahay

WALA nang buhay nang matagpuan ang magtiyahin na duguang nakabalot sa kumot, at hinihininalang pinatay ng kinakasama ng ginang, sa tinutuluyan nilang condo unit sa Mandaluyong City, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, kinilala ang mga biktimang Maria Rosula Paunil, at Jessa Mae Baling, 11-anyos.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Benjamin Pardenez, live-in partner ni Paunil.

Ayon sa security guard na si Ricky Orbina, huling nakitang buhay ang mga biktima noong Lunes habang kasama si Pardenez.

Nagpatawag umano ng taxi si Pardenez para pumunta sa Cavite. Ngunit hindi umano natuloy ang pag-alis ng tatlo at napansin niyang nag-aaway sina Paunil at Pardenez.

Bumalik raw sa condo unit ang tatlo, hanggang kinagabihan ay nakitang umalis ang lalaki na hindi kasama ang dalawang biktima.

Samantala, sinabi ni Senior Supt. Moises Villa Eran Jr., ng Mandaluyong Police, isang kaibigan ni Pardenez ang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa sinapit ng magtiyahin.

Nakonsensiya raw ang lalaki nang ipagtapat ni Pardenez na pinatay niya ang magtiyahin kaya ipinagbigay-alam niya sa mga awtoridad.

Makaraan madiskobre ang mga bangkay ng magtiyahin, agad nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa Cavite na pinaniniwalaang pupuntahan ng suspek ngunit wala sa lugar si Pardenez.

Hindi pa alam ng pulisya kung ano ang motibo ngunit hinihinalang selos ang ugat ng krimen.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved