Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)

Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)

HINAMON ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ipagpatuloy ang nasimulang transpormasyon sa mga sistema ng NFA Council upang maipatupad sa National Food Authority.

Si Piñol ang pumalit kay Evasco bilang bagong NFA Council chairman.

“I call the new Chairperson to take advantage of what we have started and continue the systems transformation, so that it can take root in NFA,” ani Evasco.

Si Evasco ay pinalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panahong isinusulong ng Cabinet Secretary ang special audit sa kuwestiyonableng pagbebenta ng apat na milyong sako ng bigas mula Oktubre 2017 hanggang Enero 2018 ni NFA Administrator Jason Aquino.

READ MORE:  Honasan nagpiyansa (Sa Kasong graft)

Ani Evasco, sa kritikal na panahon ngayon dapat patunayan ng NFA ang pagiging tunay na kasama ng magsasaka sa paghahatid ng mas maayos at de-kalidad na mga serbisyo sa mga maralitang Filipino sa pamamagitan ng abot-kayang presyo at de-kalidad na bigas.

Sa kanyang paglisan bilang pinuno ng NFA Council, ipinagmalaki ni Evasco ang malinis niyang track record sa serbisyo-publiko, ni minsan ay hindi siya naimbestigahan sa Ombudsman/ Sandiganbayan dahil sa korupsiyon.

READ MORE:  Misis ginilitan sa leeg ni mister

“I have never been investigated by any office on any misdealings, let alone I have never been charged at the Ombudsman/ Sandiganbayan for any corrupt practices,” aniya.

Tiniyak ni Evasco, hindi niya maaaring sirain ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo

“I can never break the trust given to me by our President Rodrigo Roa Duterte especially when he appointed me to the position I am in now, a position I did not ask for it but wholeheartedly accepted in order to help President govern our country to make government responsive to the needs of our people,” pahayag ni Evasco.

READ MORE:  Napoles tinanggalan ng matres, 2 obaryo

Bago ang pagsibak kay Evasco sa NFA Council, may mga ulat na ilang opisyal na nakikinabang sa rice smuggling ang umano’y nanira kay Evasco upang mawalan ng sagabal sa kanilang illegal na gawain.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved