Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo
Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo

Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo

INIUTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT na sampahan ng kaso ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren.

Magugunitang nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa nang magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.

READ MORE:  Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa

Ito ang unang unloading incident na naitala simula 2 Abril sa loob ng 11 araw.

“There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction, identify this person,” sabi ni Tugade sa isang business forum sa Pampanga.

READ MORE:  Patong-patong na kaso vs candy vendors

“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina.”

READ MORE:  Importer, broker ng ukay-ukay kinasuhan ng BoC

Nitong nakalipas na mga araw, ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT na umakyat na sa 15 hanggang 17 ang bilang ng mga tumatakbong tren makaraan ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved