Thursday , April 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arci, kinikilig kay Piolo
Arci, kinikilig kay Piolo

Arci, kinikilig kay Piolo

AMINADO si Arci Munoz na kinikilig siya kay Piolo Pascual lalo na kapag kaeksena niya ang actor.

“Kasi close ko talaga si Papi (tawag kay Piolo) pero alam na nila kapag kunwari kinikilig talaga ako sa totoong (buhay). Sabi nga ni direk Tonet, ‘Hala kinikilig na siya kasi nagbe-baby talk na.’ Kasi naman talaga si Papi, eh.”

Ginagampanan ni Arci ang karakter ni Dani, isang masipag at maaasahang anak na papasok bilang practicumer sa kompanya ni Nathan (Piolo). Magiging mahirap ang kanyang pagtatrabaho para sa boss, ngunit makakasama niya si Ginno (JC de Vera), ang career-driven na assistant ni Nathan, na aalalay sa kanya para magawa nang maayos ang kanyang trabaho.

Kasama rin sa Since I Found You sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa,handog ng Dreamscape Entertainment.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved