Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)
Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)

Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)

BACOLOD CITY, Neg-ros Occidental – Binawian ng buhay ang tatlong miyembro ng pamilya habang apat ang sugatan nang magsalpukan ang tricycle at SUV sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Erlinda Villar, anak niyang si Melinda Tesoro, at kamag-anak na si Rodelyn Nacis.

READ MORE:  ‘Cruzading’ media corrupt (Nagpapanggap na malinis) — Digong

Habang sugatan sina Elvis Villar, Geralyn Villar, Merlinda Barcenas, at isang 16-anyos dalagita.

Ayon sa ulat, galing ang pitong miyembro ng pamilya sa ospital dahil namatay ang mister ni Erlinda, nang mangyari ang insidente.

Ayon kay SPO2 Jun Garong, traffic investigator ng Police Station 4, papunta ang mga biktima sa bayan ng Murcia sakay ng tricycle na minamaneho ni Elvis.

READ MORE:  LP nakasawsaw sa Marawi crisis?

Habang binabaybay nila ang Brgy. Villamonte, binangga umano ito ng isang SUV bago mag-1:00 ng madaling-araw.

Tumilapon ang mga biktima habang nasira ang harapan ng sasakyan sa salpukan.

READ MORE:  2 drug couriers tiklo sa P1-M shabu sa Taguig

Dagdag ni Garong, matulin umano ang takbo ng SUV at napunta sa kabilang linya. Hinihinalang nakainom ang driver nito.

Hindi nagbigay ng komento ang driver ng SUV nang kuhaan ng pahayag hinggil sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved