Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bagets, 3 pa tiklo sa droga sa Makati
2 bagets, 3 pa tiklo sa droga sa Makati

2 bagets, 3 pa tiklo sa droga sa Makati

NADAKIP ang limang lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, makaraan maaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa Brgy. Rizal, Makati City nitong Miyerkoles ng gabi.

Inihayag ni S/Insp. Valmark Funelas, commander ng Makati Police Community Precinct 10, naamoy ng mga pulis ang marijuana sa labas ng bahay.

Ayon sa ulat, nagres-ponde ang mga pulis hinggil sa isang reklamo ukol sa nagaganap na sugalan sa isang bahay sa Pipit Street.

READ MORE:  Sisihan sa Mindanao blackout itigil na – Palasyo

Sa nasabing pagsalakay, apat lalaki ang naaktohan ng mga pulis, kabilang ang dalawang 17-anyos binatilyo, habang bumabatak ng droga.

Sa loob ng bahay, nadiskobre rin ng mga pulis ang pagtatarya ng umano’y marijuana at shabu ng isang lalaki.

READ MORE:  Gov. umalma vs ‘Bingoteng’ (RD, PD ipinasisibak ng mga alkalde)

Nasabat sa kanila ang apat sachet na hinihinalang marijuana at tatlong sachet ng umano’y shabu.

Narekober din ng mga pulis ang bong at roller na gamit sa pagma-marijuana at iba pang drug paraphernalia.

Samantala, depensa ng mga lalaki, magkakasama lang silang naglalaro ng mobile game.

Habang nakatakas ang may-ari ng bahay na umano’y nagmamay-ari sa mga nakopmpiskang droga, giit ng isa sa mga nahuli.

READ MORE:  Niyugan inararo 7 patay, 20 grabe (Trak nawalan ng preno)

Ayon sa mga pulis, ikinagulat nila ang dami ng mga nakuhang droga sa lugar na malapit lang sa presinto.

Bagama’t kontrolado umano nila ang sitwasyon ng droga sa lugar, dumarating ang supply sa lugar mula sa katabing siyudad ng Taguig.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved