Categories: News

Distressed OFW, inang senior citizen patay sa Caloocan fire

PATAY ang isang distressed overseas Filipino worker (OFW) at ang kanyang inang senior citizen sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Tala, Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, hindi na nakilala ang labi ng biktimang si Herminda Carbonel, 74-anyos, at ang kanyang anak na si Banjo, 51-anyos.

Si Banjo ay isang dating OFW sa Dubai na nagkaroon ng diperensiya sa pag-iisip.

Batay sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) Supt. Gary Alto, fire marshall ng Caloocan, dakong 10:30 pm nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima sa Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod.

Hindi pa malinaw kung paano nagsimula ang sunog ngunit kombinsido ang pamilya na ang lalaking biktima ang posibleng may kagagawan sa insidente.

Kuwento ng kapatid ng lalaking biktima, nagwala umano si Banjo sa labas ng bahay bago sumiklab ang sunog. Napilitan siyang ipasok ang biktima sa bahay.

“Ginapos ko po para ‘di nagwawala. Nagpa-tulong pa ako sa barangay para ipasok dito,” aniya.

Iniwanan muna niya ang mga biktima para bantayan ang bahay ng kaniyang ate nang biglang sumiklab ang sunog.

Sa loob lamang ng higit isang oras, natupok ang buong bahay. Nadamay sa insidente ang isang bakery at salon.

Nang maapula ang apoy, natuklasan na hindi pala nakalabas ang ginang at si Banjo.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente ay nakitang may bitbit na gasolina si Banjo.

“Hindi na nakainom ng gamot. Bumabalik ang sakit,” anang kapatid.

Tinatayang umabot sa P500,000 halaga ng mga ari-arian ang  napinsala ng sunog.

ni ROMMEL SALES

COMMENTS
Rommel Sales

Share
Published by
Rommel Sales

Recent Posts

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

10 hours ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

10 hours ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

10 hours ago

Alamin ang Anakalusugan

MAYROON itong isang grupo na nagbubuklod upang tahakin ang landas ng pagtulong sa kapwa Filipino lalo ang mga kapos-palad nating…

10 hours ago

Intelligence gathering pinaigting ng NBI

LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan…

10 hours ago

Suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely, Sumainyo ang pagpapala ni Lord sampu ng buo ninyong pamilya. Ako po Sis, si Sister Petra E.…

10 hours ago